Forum on Biblical Spirituality on Labor Issues

Ika-20 ng Mayo, 2017 (Sabado)

3rd Floor, Multi Purpose Center, Nuestra Señora del Perpetuo Socorro Parish
2042 Calamba cor. Instruccion St., Sampaloc, Manila
8:00am-12:00nn

“Tugon sa patuloy na pakikilakbay sa sektor ng mga manggagawa”

Program:

8:00 am–9:00 am—————Registration

9:00 am–9:10 am—————Prayer/Welcome Remarks

9:10 am-9:15 am—————Church People-Workers Solidarity Orientation

9:15 am-9:20 am ————–Archdiocesan Ministry for Labor Concerns Orientation

9:20 am-10:00 am————–Discussions of D.O. 174/Contractualization
Atty: Louie Velandre: Legal Counsel, RCAM-AMLC

10:00 am-10:30 am———–Reactors (15 mins each)
Worker: Mr. Eldefonso M. Bello                                                      President: Samahan ng Manggagawa sa Harbour Centre

Church: Fr. Jerome Secillano (to be confirmed)

10:30 am–10: 40 am———-BREAK

10:40 am–11:10 am———-Church Social Teaching
Fr. Enrico Martin F. Adoviso
                         Minister: RCAM-Ministry for Labor Concerns

11:00 am–11:30 am———-Open Forum

11:30 am-12:00 am———–Pastoral Challenge:
Fr. Jerome Secillano (to be confirmed)
CBCP Permanent Committee on Public Affairs

Letter of Invitation from
ROMAN CATHOLIC ARCHDIOCESE OF MANILA –  ARCHDIOCESAN MINISTRY FOR LABOR CONCERNS
in partnership with
CHURCH PEOPLE-WORKERS SOLIDARITY

May 10, 2017

Dear CWS Convenors,

Isang maalab na pagbati sa buwan ng Paggawa at sa Kapistahan ng ating Mahal na Patron, si San Joseng Manggagawa. Bilang paggunita sa buwan ng Paggawa ang Church People – Workers Solidarity at ang Ministry for Labor Concerns ng Archdiocese of Manila ay nag iimbita sa inyo sa isang Forum: Biblical Spirituality on Labor Issues: “Tugon sa patuloy na pakikilakbay sa sektor ng mga manggagawa”.

Ito ay maganap sa darating na ika-20 ng Mayo 2017, araw ng Sabado, mula ika-8 ng umaga hanggang alas 12:00 nn, 3rd Floor, Multi Purpose Center, Nuestra Señora del Perpetuo Socorro Parish, 2042 Calamba corner Instruccion Street, Sampaloc, Manila.

Ang layunin po ng gawaing ito ay higit na maunawaan at madama ng taong-simbahan ang kalagayan ng mga manggagawa, at bilang pakikibahagi sa kanilang pagpupunyagi para sa buhay na may dignidad, ay mabuo ang palagian at mabungang ugnayan ng Simbahan at ng Komunidad ng Manggagawa, kasama ang kanilang sambahayan.  

Bilang pakikiisa sa mga manggagawa ang unang bahagi po ay pagpapaliwanag ng bagong labas na D.O. 174 sa perspektiba ng sektor ng paggawa. Ang ikalawang bahagi ay ang kaugnayan ng D.O. 174 sa Panlipunang Katuruan ng ating Simbahan. At ang huling bahagi ay kung paano tayo patuloy na makakatugon sa hamon na makiisa sa kanila upang matamo ang isang buhay na may dangal.

Kung paanong ang Simbahan at Sambayanan ay patuloy na nagtatanong kung paano tutugunan ang mga problemang kinakaharap natin ngayon, nawa ay ang paglalaan natin ng panahon ngayon ay makatulong upang maging maalab ang ating patuloy na pagtugon.

Para sa isang mabunga at maalab na ugnayan ng Simbahan bilang isang Sambayan at Komunidad ng mga Manggagawa.

Maaari po kayong makipag-unayan sa amin sa CWS: Sr. Arlyne, nds #09296151171, Ellen# 09464689826, tel/fax. 584.3190, email:churchfortheworkers@gmail.com at RCAM-Labor Ministry: Ryan Carlo Roan #09292411020, email: rcamlabor@yahoo.com.ph para po sa mga katanungan at paglilinaw.

Aasahan po namin ang inyong tugon.


REV. FR. ENRICO MARTIN F. ADOVISO
Minister
RCAM-Ministry for Labor Concerns


BISHOP GERARDO A. ALMINANZA, D.D.
CWS Chairperson
Diocese of San Carlos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *