Mga Nalikom na Liham-Pahatid Laban sa Nuclear at Basura sa Bataan

DIOCESE OF BALANGA

Mga Nalikom na Liham-Pahatid (Circular Letters) mula sa Chancery Laban sa Nuclear at Basura sa Bataan

I.   PILIIN SI JESUS! TUTULAN ANG KASAMAAN!

Liham-Pastoral Ukol sa Pahayag na Muling Bubuksan ang Plantang Nukleyar

(Ika-7 ng Hulyo, 2008, Katedral ng San Jose, + Socrates B. Villegas)

Inumpishan sa kabayanihan ng Bataan sa ikalawang Digmaang Pandaigidigan, lalo na ang salaysay sa Pagsuko ng Bataan (Fall of Bataan), at ang “Bataan has Fallen”- Salvador P. Lopez. Isinasaulo ng mga mag-aaral. Kasunod nito ang kasaysayan ng Plantang Nukleyar sagisag ng pangungurakot at pagkaganid lalo na noong panahon ni Marcos, at ang matinding pagtutol at pakikipaglaban ng kaparian at mamamayan sa pagtatayo nito sa Morong. May panukala sa muling pagbubukas nito dahil sa Global Energy Crisis, at muling tinutulan ng kaparian dahil DI LIGTAS NA BUKSAN AT GAMITIN (unsafe) dahil itinayo sa paanan ng natutulog (dormant) na bulkan; batbat ng katiwalian at kapabayaan ang muling pagtatayo nito; at ang panganib ng mga manggagawa na hindi sanay sa Nuclear; HIGIT NA KALUNOS LUNOS KAYSA SA DIGMAAN- hindi lamang Pagsuko (Fall of Bataan) kundi “Pagsabog ng Bataan.” Lalo na ito ay nasa panganib ng lindol katulad ng Chernobyl; problema rin sa pagtatapon ng “radioactive waste materials” nakamamatay ng tao at mgalikas-yaman ng dagat. Ito ba ang pamana na ating iiwan para sa susunod na lahi? Ang ating pagsaksi bilang mga Alagad ni Kristo ay bilang tagapangalaga ng Kalikasan at hindi may-ari nito.

“ Ang usapin ng Plantang Nukleyar sa bayan ng Morong ay dapat harapin nang may puso, sa diwa ng Mabuting Balita! Kung si Jesus ay nasa Bataan, isang taga-Bataan, nakatitiyak ako na kahit ang Butihing Panginoon ay tatanggi at tututol dito! Sundan natin ang landasin ni Jesus! Ang landas ni Jesus ay ang landas ng mapananagutan at mapagkakatiwalaang pamamahala/at pangangalaga sa kalikasan! Kalooban ni Jesus na ang landas ng kaunlaran ay makatao, ganap at lubos-iniingatan ang sangkatauhan, kumakalinga sa sangkatauhan, nagliligtas ng sangkatauhan! Piliin natin ang landasin ng Panginoon!”

II.   ANG GANDA NG MORONG

Pahatid sa Bayan ng Diyos sa Morong

(Ika- 27 ng Marso, 2009, Katedral ng San Jose, + Socrates B. Villegas)

Pinanindigan ang pagtutol at paglaban sa muling pagtatayo ng nukleyar, sa pamamagitan ng mga katangian, at kagandahan ng Morong- umuunlad, dinadayo, maganda ang kalikasan, dagat, at dalampasigan,. Kasunod nito at dahilan ng pagtatanggol ay ang pagmamahal natin sa Morong. Gaganda ba ang Morong kung bubuksan ang Nuclear Power Plant (NPP)? Walang ligtas sa Nuclear reactor! Walang malinis sa NPP! Kung sa ibang bansa merong nuclear, sila na lang ang manganib, hindi mura ang NPP, ang bayad ay kalusugan ng tao, buhay ng kalikasan, at kaligtasan ng susunod na salin-lahi. Gaganda raw ang Morong dahil sa trabaho. Ang budget ay bilyong dolyar, sa utang, at ang mamamayan ang magbabayad sa buwis. Para pag-aralan at suriin ang kaligtasan ng NPP, P1 M ang kailangan. Kung pag-aralin natin ang mga bata at kabataan, mas mabuti pa kaysa pag-aralan ang NPP. HINDI LIGTAS ANG NUCLEAR POWER PLANT. Huwag sayangin ang pera ng bayan sa pag-aaral ng NPP. “Papangit ang Morong kapag binuksan ang NPP. Uurong ang Morong kapag binuksan ang NPP. Iiwasan tayo ng turista. Maganda ang Morong. Pangit ang Nuclear Power Plant. Bawal ang pangit sa Morong!”

(Due to time constraints, I was not able to search files in the Chancery during the time of our first Bishop, Most Rev. Celso N. Guevarra, DD regarding Anti-Nuclear Plant stand/fight of the Diocese. Msgr. Tony D. and our senior priests are credible authorities to testify)

III.       SIGNATURE CAMPAIGN AGAINST THE SANITARY LANDFILL

Circular Letter No. 23, series of 1999 (Directive)

( +Honesto F. Ongtioco, D.D.)

This letter was a directive for a signature campaign against Sanitary Landfill as the position of the Diocese. A position paper was attached entitled- “TUTULAN ANG PAGTATAYO NG SANITARY LANDFILL SA BATAAN. Isinaad sa pahayag na ito ang mga problema sa kamahalan ng pagtatayo, at opersyon nito at ang mga sumusunod na panganib ayon sa mga dalubhasa: Pagkasira ng kalidad ng tubig sa ilalim ng lupa dulot ng mga katas ng basura, at hindi maiinom ng tao sa loob ng 30 taon; Pagkalat ng sakit na may kinalaman sa basura at mga hayop na kaugnay nito; Pagbaba ng kalidad ng tubig sa kalapit na kapaligiran; Pagkawalang silbi ng lugar kahit matapos na ang pagtambak ng basura; at marami pang iba. Tila may nilulutong proyektong Landfill ang DENR at Pamprobinsiyang Pamahalaan para sa basura ng Metro Manila at mga karatig bayan na 6,000 tonelada araw-araw. Hindi tayo handa sa ganitong proyekto. marami pang ibang solusyon sa basura. TUTULAN ANG PAGTATAYO NG SANITARY LANDFILL SA BATAAN! ISULONG ANG MAS EPEKTIBONG ALTERNATIBO TULAD NG ENVIRONMENTAL SOLID WASTE MANAGEMENT PARA SA BASURA NG BATAAN! LUMAGDA AT MAKIALAM SA NAPAKALAKING USAPING ITO SA BATAAN

IV.   METRO MANILA GARBAGE

Circular Letter No. 16 Series of 2001 (Information)

( +Honesto F. Ongtioco, D.D.)

This letter clarifies the news about Metro Manila garbage, “Ship Trash to Bataan, GMA orders” -Philippine Daily Inquirer, (October 12, 2001, A, p.25) and Philippine Star (October 18, 2001, p. 15). The Bishop spoke personally with the Hon. Gov. Leonardo Roman and came up with the following: There is no truth to the news that the garbage will be shipped to Bataan; Gov. Ding himself said that there is no absolute area here to accommodate the garbage of Metro Manila at this time, while Bataan is more than willing to participate in solving garbage problem, we are not yet ready to host an environment-friendly dumpsite. (Philippine Daily Inquirer, October 13, 2001, A, p.21, 27); In case the government extends help, the condition, it should be ENVIRONMENTAL FRIENDLY.

            “We take the Governor’s words. We commend him for his position. However, we should be vigilant continuously. We should be united as a people in defending and protecting our environment especially our land, our rivers and seas.”

V.   ITAGUYOD ANG BATAAN

Pastoral letter No. 07/2015

Ninanais ng ating mga magulang na tayo ay malinis at maayos sa ating pangangatawan at sa ating kapaligiran. Kaya naman tinitignan nila na ang atin damit o gamit ay hindi nakakalat, hindi magulo, hindi marumi. Ang lahat ay nasa tamang lugar. Tinitiyak din nila na kaaya-aya ang ating kinalalagyan o nilalakaran. Ang malinis at maayos ay maganda sa pananaw. Ang malinis at maayos ay mabuti sa pamumuhay.

Hindi po ba na ang bilin sa atin ng ating mga magulang o nakatatanda ay huwag magkakalat? Ang basura ay ilagay sa wastong tapunan. Huwag magtatapon sa bintana, sa kalsada o sa bakuran ng iba. Hindi po ba ang itinuturo sa atin sa paaralan o sa barangay ay “tapat ko, pananagutan ko, linis ko?

Sa akin tungkulin noon bilang national coordinator for the pastoral care of Filipino migrants in Italy at sang ayon bilang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines episcopal chairman on migrants and itinerant people, gustong-gusto nila tayong mga Pilipino, higit sa lahat ang mga OFW’s na maging katrabaho at kasambahay sapagkat kinikilala nila tayo sa pagiging malilinis sa sarili at sa paggawa, maayos sa mga gamit at masisipag.

Totoo po tayong mga Pilipino ay malinis at maayos. Ipagpatuloy po natin ito at higit pang isabuhay. At panatilihin po natin ito- ang pagiging malinis at maayos- hindi lamang para sa ating mga sarili bagkus para na rin sa iba, hindi lamang doon sa labas ng ating bansa bagkus higit sa lahat dito sa ating sariling lalawigan.

Ang Bataan ay maganda at pinagpala.Ang kanyang tubig ay malinis.Ang kanyang hangin ay sariwa. Ang kanyang bundok ay luntian. Ang lupa ay mataba at masagana.Huwag po natin sayangin. Huwag po natin aksayahin. Ingatan po natin at higit na alagaan. Mahalin po natin at higit na pahalagahan.

Ang Bataan ay ang atin tahanan. Ang Bataan ay ang atin tirahan. Binigay sa atin ng Panginoong Diyos upang sinupin, upang pagyamanin at upang higit pang gawin maganda at masagana.

Mangyari pa sa anuman balakin o usapin, hindi natin hahayaan na ang mga basura ng iba o galing sa labas ay dadalhin dito sa Bataan. Tayo ay tututol na ang Bataan ay maging tapunan. Tayo ay lalaban sa mga naglalayon o nag-iisip na dumihan ang ating minamahal na lalawigan kanilang mga basura.

Pag-ibayuhin po natin sa atin mga sarili at paligid ang kalinisan at kaayusan. Huwag po tayo maghagis ng mga papel, pinagbalatan ng tinapay o kendi sa kalsada. Maglagay na po tayo ng mga mumunting basurahan sa ating mga sasakyan-trisikel , kotse o bus. At huwag po natin Gawain na magtapon ng basura o dumi sa mga kanal o sa atin mga ilog.

Tayo po ay malinis at maayos. Ganoon na rin po ang gawin natin sa atin mga nasasakupan at bakuran. Tayo po ay likas na mabuti at maganda. Itaguyod po natin ang Bataan. Gawin po natin ang lahat ng mabuti at maganda para sa kanya. Hindi natin dudumihan ang Bataan.

Maraming pong salamat at pagpalain po tayo ng ating Panginoong Diyos, +Ama, at +Anak, at ng + Espiritu Santo. Amen!

 

+Ruperto Cruz Santos
Obispo ng Balanga
Lungsod ng Balanga
15 Agosto, 2015

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *