Magandang araw sa inyong lahat
nakaaliw kayong tingnan
nakagayak ng makabayang kasuotan
narito kaming muli sa inyong harapan
upang magpahayag ng aming kamalayan
# hindi po ito pirated
walang bahid ng internet
promise!
Ang pamagat ng tulang ito ay
BAYAN… NASADLAK SA DUSA
Isang mapagpalayang araw sa inyong lahat
Ang tulang ito ay inaalay namin
Sa aming mga kapwa kabataan
Mga kabataan na pag-asa ng bayan
Mga kabataan na pag-asa ng tunay na pagbabago
At tunay na kapayapaan
Mga kabataan, sino tayo?
Ako, ikaw, tayo
Meron ka bang narinig sa panahong kasalukuyan?
Nahagip ba ng iyong kamalayan
Ang nangyayari sa ating bayan?
Ano ang iyong narinig?
Ano ang iyong nakita?
Ano ang iyong naramdaman?
Mula sa kanluran
Patungong timog ng ating bayan
Kaydami nang pinaslang|
Libu-libo ..
kahit inosente
Namamatay
Pati mga kabataan!
Sino ang may pakana?
Sino ang dapat sisihin?
Sino ang kawawa?
Ang sabi ng ating lider
Pagbabago .. kapayapaan
Ngunit.. kaninong pagbabago?
Kaninong kapayapaan?
Halang ang mga kaluluwa
Sino ang tunay na may sala?
Sino ang inosente?
Sino ang kawawa?
Mga kabataan
Dapat mapagmasid
Dapat mapagmatyag
Nasaan ang hustisya?
Nakapiring pa rin ba?
O dilat na ang mga mata?
Para sa mayayaman lang ba?
Habang nawawalan ng halaga
Ang mga nasadlak sa dusa..
Bakit di na tayo marunong umunawa?
Bakit di na tayo marunong umiyak?
Bakit wala na tayong awa?
Bakit kay bilis nating humusga?
Bakit wala tayong pakialam?
Bakit nakalimutan na natin kung ano ang tama?
Ang buhay natin ay pansamantala lamang
Kayong nasa kapangyahiran
‘Wag sanang malasing sa inyong kagalingan
‘Wag sanang palamon sa inyong kamangmangan
Nakamasid ang langit
Sa lahat ng kaganapan
Kailanma’y hindi maaaring isawalang bahala
Ang lahat ng patayan
May hustisya sa lupa
May hustisya sa langit
Kayo ang pipili
Saan nyo gustong manatili?





