Cosmic Rosary

F L O W:

Tunog Ng Pananawag: _____________

COMMENTATOR:
Sa mga misteryo ng Banal na Rosaryo, pinagninilayan natin ang ‘Mga Makapangyarihang Gawa ng Diyos’. Sinundan natin ang kuwento ng pamamagitan ng Panginoon sa daigdig sa katauhan ni Hesus ng Nazaret bilang Tagapagligtas ng sansinukob. Siya ang Salita kung saan ang lahat ng bagay ay nalikha at kung wala siya ay wala ring nalikha’. Ngayong gabi ay ating pagninilayan ang mga Misteryo ng Tuwa sa pananaw ng sangnilikha. Inilalahad sa atin ng mga misteryong ito ang katuparan ng plano ng Diyos para sa Kanyang mga nilalang, sa paglilihi at pagsilang ni Hesus ng Nazaret.

Sa loob ng labing-tatlong bilyon at pitong daang libong taon, ang sangnilikha ay naghirap at nagsilang ng enerhiya, mga bagay, mga bituin, kalawakan at planeta tulad ng ating mundo, na nagbunga ng ecosystem at buhay sa iba’t- ibang hugis at anyo, hanggang kalaunan ay lumitaw ang tao.

Ang lahat ng pagsisikap na ito ay nangyari upang maisakatuparan ang nais ng Diyos na mabatid at makilala Siya sa pamamagitan ng ‘gawa ng kanyang mga kamay’, ang mithiin ng Diyos na magmahal at suklian din ng pagmamahal ng kaniyang mga nilalang.

Sa mundo, ito’y maaari lamang mangyari sa paglitaw ng tao – isang nilalang na may kakayahang matuto at may kamalayang magmahal.

Ang kaganapan ng prosesong ito ay humantong sa pagsilang ni Hesus. Siya ay kumakatawan hindi lamang sa Kanyang sarili ngunit sa buong sangkatauhan at tunay nga, sa buong sangnilikha.

Sa misteryong ito ng pagsilang ni Hesus , ang Diyos ay nagkatawang-tao, at ating namalas ang dakilang pag-iisang dibdib ng Manlilikha at ng Kanyang Sangnilikha.

Si Maria ay gumaganap ng isang mahalagang bahagi sa lahat ng ito, kaya naman nararapat siyang parangalan sa Banal na Rosaryo.

PAMBUNGAD NA AWIT:

Hail Mary, Full Of Grace, The Lord Is With You
Blessed Are You Among Women And Blessed Is The Fruit Of Your Womb, Jesus
Holy Mary, Mother Of God,
Pray For Us Sinners Now And At The Hour Of Our Death. Amen.

PAGSINDI NG PASCAL CANDLE: ________________

I. PAMBUNGAD NA DASAL : ANG KRISTIYANONG PANALANGIN KASAMA ANG SANGNILIKHA

COMMENTATOR: Sabay sabay nating dasalin Ang Kristiyanong Panalangin Kasama ang Sangnilikha.

LAHAT: Pinupuri ka namin Ama, Kasama ng lahat mong nilalang, na nagmula sa iyong makapangyarihang kamay.

Sila ay iyo, at sila ay puspos ng iyong pananatili at pagkalinga. Purihin ka.
Anak ng Diyos, Hesus, sa pamamagitan mo, nilikha ang lahat ng bagay, nagkahugis ka sa sinapupunan ni Maria, naging bahagi ng daigdig na ito, at pinagmasdan itong mundo gamit ang mga matang tulad ng sa amin.
Ngayon, nabubuhay ka sa bawat nilalang sa kaluwalhatian ng iyong muling pagkabuhay. Purihin ka.
Espiritu Santo, sa iyong liwanag, itinuon mo ang daigdig na ito sa pag- ibig ng Ama at sinamahan ang pagdaing ng sangnilikha. Nabuhay ka rin sa aming mga puso upang itulak kami sa kabutihan. Purihin ka.
Panginoong Isa at Santatlo, kamahal-mahalang pamayanan ng pag- ibig na walang hanggan, turuan mo kaming pagmasdan ka sa kagandahan ng sanlibutan, kung saan ang lahat ay nangungusap sa amin tungkol sa iyo.
Pukawin mo ang aming papuri at pasasalamat para sa bawat nilalang na iyong nilikha.
Ipagkaloob mo sa amin ang biyayang maadama namin na kami ay mahigpit na kaugnay ng lahat ng umiiral.
Diyos ng pag-ibig, ipakita mo sa amin ang aming puwang sa daigdig na ito,
bilang mga kasangkapan ng iyong pagkalinga para sa lahat ng nilalang sa daigdig na ito, sapagkat wala kang nakakalimutan alinman sa kanila
Bigyan mo ng liwanag isipan ng mga magmamay-ari ng kapangyarihan at salapi upang maiwasan nila ang kasalanan ng kawalang paki-alam.
Ibigin ang ikabubuti ng lahat, isulong ang mga mahihina, at pangalagaan itong daigdig na aming tinitirhan.
Ang mga mahihirap at ang lupa ay nagsusumigaw;
Panginoon, dalhin mo kami sa isa’t-isa sa iyong kapangyarihan at liwanag
upang pangalagaan ang lahat ng buhay,
upang ihanda ang isang mas mabuting hinaharap, upang mapasaamin ang iyong Kaharian ng katarungan, kapayapaan, pag-ibig at kagandahan. Purihin ka. Amen.

SONG FOR CREATION:

Praise God the Lord

Praise God the Lord of Strength and Beauty Who formed the mountains and the seas Who gave me sense and sights and hearing And I so small, so very small
What can I give for thee?
You made the sun, the moon, the heavens All fashioned in great design
You made me able to perceived them And I so small, so very small
What can I give of mine?
And then a gift beyond all other You gave your son to die for me His flawless life a perfect sacrifice And I so small, so very small
My deed eternally
For all the priceless gift you’ve given
What can I offer in return
With humble heart, Great Joy and gladness too
I give my life, I give my life. I give my life for you I do.

SILENCE WITH BACKGROUND SOUND: ______________

COMMENTATOR: Sabay-sabay nating ngayon dasalin ang banal na rosaryo: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo LAHAT: Amen.

ANG BANAL NA ROSARYO

KREDO
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat; nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

AMA NAMIN
Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo, dito sa lupa para nang sa Langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
at patawarin mo kami sa aming mga sala,
para nang pagpapatawad namin, sa nagkakasala na amin;
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

ABA BIRHENG MARIA
Aba Birheng Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat, at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. Amen.

CHOIR:

REMEMBER, O MARY IMMACULATE
Remember, O Mary Immaculate Virgin,
That Never Was It Known, That Anyone Who Comes To Your Protection Was Left Unassisted
Chorus: O Mary Conceived Without Sin,
Pray for Us Who Have Recourse to you
O Mary Conceived Without Sin, Pray For Us, Pray For Us
With such great confidence, Immaculate mother
To you we humbly come, Immaculate virgin,
Before you we stand, sinful yet sorrowful
Chorus: O Mary Conceived Without Sin,
Pray for Us Who Have Recourse to you
O Mary Conceived Without Sin, Pray For Us, Pray For Us

COMMENTATOR: Unang Misteryo ng Tuwa: ANG PAGBATI NG ANGHEL SA MAHAL NA BIRHEN

READER 1 : (LCG)

Ang anghel Gabriel ay isinugo ng Diyos upang ihayag sa isang dalagita ‘ang Misteryong inilihim sa mahabang panahon’. Nagpakita ang Panginoon kay Maria upang ihayag sa kanya na siya ay napiling maging kaisa ng Kanyang Sangnilikha. Ang katuparan nito ay nakasalalay sa tugon ng dalagita.

At ang Diyos ay hindi nabigo sa tugon niya “Mangyari nawa sa akin ayon sa wika mo . At ang salita ay nagkatawang-tao.” Patuloy na tinutunghayan ng Panginoon ang ating henerasyon upang himukin tayo na baguhin ang ating paraan ng pamumuhay, at huwag wasakin ang ‘mga gawa ng kanyang mga kamay’. Nawa’y bukas-palad tayong tumugon tulad ni Maria.

MOMENT OF SIELNCE (at least 2 minutes reflection)

AMA NAMIN
Ama namin sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo, dito sa lupa para nang sa Langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
at patawarin mo kami sa aming mga sala,
para nang pagpapatawad namin, sa nagkakasala na amin;
at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

ABA BIRHENG MARIA ( 10 x)
Aba Birheng Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaing lahat, at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos,
ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman; at magpasawalang hanggan. Amen.

CHOIR:

BE NOT AFRAID
You shall cross the barren Desert, but you Shall not die of Thirst.
You shall Wander far in Safety though You do not know The way.
You shall speak your words in foreign lands and all will understand. You shall see the face of god and live.
CHORUS: Be not afraid, I go before you always. Come, follow me, and i will give you rest.
If you pass through raging waters in the sea, you shall not drown. If you walk amid the burning flames, you shall not be harmed.
CHORUS: Be not afraid I go before you always. Come, follow me, and i will give you rest
Blessed are your poor, for the kingdom shall be theirs.
Blest are you that weep and mourn, for one day you shall laugh
And if wicked tongues insult and hate you all because of me, blessed, blessed are you
CHORUS: Be not afraid If I go before you always. Come, follow me, and i will give you rest

COMMENTATOR: Ang pangalawang Misteryo ng Tuwa: ANG PAGDALAW NG BIRHENG MARIA KAY ISABEL

READER 2:

Ang Pagdalaw ay ang pagtatagpo ng dalawang babaeng nangangalaga sa isa’t-isa sa panahon ng kanilang pagdadalantao. Sila ay kapwa biniyayaan ng Diyos, ang isa sa kawalan ng kakayahan magkaroon ng anak dala ng kanyang katandaan at ang isa’y sa pagkadalisay ng kanyang kabataan.

Ang kuwento ay tumutukoy sa mapagkalingang katauhan ng pambabaeng enerhiya. Ito ang uri ng enerhiya na hindi gaanong pinapansin sa ating daigdig, na siyang nagdala sa atin sa kasalukuyang krisis ng ‘global warming’. Kakaiba ito sa panlalaking enerhiya na naghahari ngayon sa ating mundo na may diin sa pakikipagtagisan, sa pagiging higit na makapangyarihan sa iba at walang habag na pagsasamantala, kahit ito’y nagdudulot na ng kapinsalaan sa pambabaeng uri ng pag-aaruga sa mahihina, pangangalaga sa lahat, at sa mapayapa at maayos na ugnayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon sina Maria at Isabel at tularan natin ang kanilang ipinakitang pag-aalaga sa isa’t-isa at sa lahat ng nilalang ng Diyos.

MOMENT OF SIELNCE (at least 2 minutes reflection)

AMA NAMIN

ABA BIRHENG MARIA ( 10 X) LUWALHATI

CHOIR:

HOLY MOTHER OF OUR SAVIOR
Holy mother of our savior, the spirit dwells in you,
Oh how great is your beauty and the grace bestowed on you.
Holy mother of our savior, Blessed are you, From among All women,
God had Chosen you
CHORUS: OblessedMary,yourfaithiseverlasting, Remaining ever virgin, your heart immaculate, O blessed Mary, mother of God,
Lead us with your gentle hand to Christ,
Your only son.

COMMENTATOR: Ikatlong Misteryo ng Tuwa : ANG PAGSILANG NG ATING PANGINOONG HESUS

READER 3:

Ayon sa mga batas ng kalikasan, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isinilang pagkaraan ng siyam na buwang pagdadalantao ni Maria. Sa abang kapaligiran, ang Manlilikhang Manunubos ay isinilang.

Nagsaya ang kalangitan, ang lahat ng mga anghel sa langit at ang buong mundo sapagkat ang kasaysayan ay hindi na kailanaman magiging tulad ng dati.

Ang mga unang nakasaksi rito ay ang mga abang pastol, na kung sa ating panahon, ay ang mga tinatawag na ‘watch your car boys’. Hindi agad naunawaan ni Maria ang mga pangyayari subalit ‘ang lahat ng ito’y kanyang pinahahalagahan sa kanyang puso’.

Maaaring di natin maunawaan ang mga masalimuot na epekto ng ‘Global Warming’, subalit pinahahalagahan natin sa ating mga puso ang dakilang niloloob ng Diyos para sa sangnilikha: “na ang lahat ay magkaroon ng buhay at mabuhay nang lubusan”.

MOMENT OF SIELNCE (at least 2 minutes reflection)

AMA NAMIN

ABA BIRHENG MARIA ( 10 X) LUWALHATI

CHOIR:

KAHANGA HANGA
Kahanga-hanga ang iyong pangalan, O panginoon
Sa sangkalupaan, ipagbunyi ang iyong kamahalan sa buong kalangitan
Pinagmasdan ko ang langit Na gawa ng iyong kamay Ang bawat mga bituin na sa langit iyong nilagay Diyos sa kalangitan, sa buong kalangitan
O Diyos, kahanga hang ang iyong pangalan
O sino kaya siyang tao
Na iyong pinagmasdan, ginawa mong angel sa kalangitan
Pinuno mo ng karangalan
Diyos sa Kalangitan sa buong kalangitan
O Diyos, kahanga-hanga ang iyong pangalan

COMMENTATOR: Ika-Apat ng Misteryo ng Tuwa: ANG PAGHAHAIN KAY HESUS SA TEMPLO

READER 4:

Tumupad ang Diyos na nagkatawang-tao sa iniuutos ng batas at siya ay ipinatuli. Sa Templo, kanilang natagpuan sina Simeon at Ana, ang dalawang matatalinong may gulang na nagpapahalaga sa mga pangako ng Diyos Ama para sa sansinukob.

Si Maria ay pinagkalooban ng isang pahiwatig tungkol sa kanyang haharapin: “At sa kaibuturan ng iyong kaluluwa, isang espada ang tutusok”. Si Maria ay magiging bahagi sa Misteryo Paskal bilang Mater Dolorosa. Ating tularan si Maria at ipangako sa harap ng Diyos na handa nating tanggapin ang anumang paghihirap at sakpisyo na kinakailangan alang-alang sa buhay ng ating planeta.

Malaking sakripisyo sa paraan ng ating pamumuhay ang kinakailangan nating gawin upang mapababa ang kasalukuyang lebel ng ‘carbon dioxide’ na 400ppm (parts per million). Ito ay kinakailangang bumaba sa lebel na 350ppm (parts per million).

MOMENT OF SIELNCE (at least 2 minutes reflection)

AMA NAMIN

ABA BIRHENG MARIA ( 10 X) LUWALHATI

CHOIR:

WHEN CREATION WAS BEGUN
When creation was begun God had chosen you to be Mother of his blessed son Holy Mary full of grace Ave, Ave, Ave Maria.
When creation was restored
You were there beside the Lord Whom you cherished and adored Holy Mary full of grace
Ave, Ave, Ave Maria.
Lead us to your child above He will teach us how to love How to pity and forgive Holy Mary full of grace Ave, Ave, Ave Maria.
Praise the Father and the Son And the Spirit three-in-one As it was when time began Now and evermore.
Ave, Ave, Ave Maria.
All of us are children too, Often doubtful what to do, Needing to confide in you. Holy Mary full of grace
Ave, Ave, Ave Maria.

COMMENTATOR: Ikalimang Misteryo ng Tuwa: ANG PAGKAKITA KAY HESUS SA TEMPLO

READER 5:

Ang bata ay nasa Templo. Siya ay ‘gumagawa ng mga gawain ng kanyang Ama’. Siya ay nakikinig sa mga nakatatanda at siya’y nagtatanong sa kanila. Siya ay natututo sa karunungan ng mga nauna sa kanya.

Bilang mga moderno, siyentipiko at teknolohiyang tao, tayo ay hinahamon na kilalanin ang katalinuhan ng ating mga ninuno lalo na ng ating mga katutubong ninuno.

Mapagpakumbaba natin silang lapitan at hilingin sa kanila na turuan tayo ng kanilang mga nalalaman tungkol sa sangnilkha: na ito ay buhay at sagrado, at hindi isang koleksiyon ng mga bagay na ginagawa upang tugunan lamang ang para sa ikabubuti ng tao.

Pahintulutan natin sila na turuan tayo kung paanong maririnig ang tinig ng Diyos sa “taghoy ng mundo at taghoy ng dukha”, at tulungan tayong pagdadaanan ang ‘ekolohiyang pagbabago’ na na ipinapanawagan sa Laudato Si.

MOMENT OF SIELNCE (at least 2 minutes reflection)

AMA NAMIN
ABA BIRHENG MARIA ( 10 X)
LUWALHATI

LAHAT:

Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntung- hininga namin ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain,
At saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
Ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

COMMENTATOR: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos ng kasanto-santuhang Rosaryo.

LAHAT: Nang kami’y maging karapat-dapat sa mga pangako ni Hesukristo. COMMENTATOR: Manalangin tayo.

LAHAT: O Diyos, na ang bugtong na anak Ay nabuhay, namatay at muling nabuhat, upang tamuhin para sa amin ang gantimpala ng walang katapusang kaligtasan, aming isinasamo na ipagkaloob mo sa amin , sa pag didili-dili ng mga misteryo ng kabanal-banalang rosaryo, ng kamahal -mahalang Birhen Maria, na matularan ang kanilang nilalaman at matamo ang kanilang ipinangangako sa tulong ng aming panginoon. Siya nawa.

COMMENTATOR: Inaayayahan ang lahat na sabayan natin ang choir at habang tayo ay umaawit, gagabayan po kayo ng miyembro ng CEM upang isa- isang kunin ang mga tanim na nakapalibot kay Maria, ang Ina ng Kalikasan. Mula kay Maria ay inihahadog niya ang biyaya ng buhay. Nawa’y itoy maging simbulo ng pagpapahalaga sa lahat ng bagay na nilikha ng Manlilikha. Nawa’y ito’y magsisilbing paalala sa ating lahat na tumimo sa ating mga puso at isipan ang ating responsibilidad sa pangangalaga ng mga nilikha.

CHOIR:

AWIT NG SANTO ROSARYO
Minsan ang buhay ay isang awit ng galak
At mayroong liwanag na tatanglaw s’ting pagyapak Minsan ang buhay ay isang awit ng luha
At siyang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga
At kahit anong tindi ng unos
At kahit anong tindi ng dilim may isang inang
Nagmamatyag nagmamahal sa ‘tin
Awit niya’y pag-ibig ng Diyos, tawag niya’y magbalik-loob turo niya’y buhay na ang Diyos lamang sa ati’y nagkaloob.
O Inang mahal,
Narito kami’t awit awit ang Ave Maria!
At dalangin ng bawa’t pamilya’y kapayapaan at pagkakaisa.
Ang rosaryo mo’t hawak namin at awit awit ang Ave Maria!
Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng amang mapagmahal.

COMMENTATOR: Sabay sabay nating Dasalin ang Panalangin para sa Ating Daigdig mula sa Laudato Si.

LAHAT:

Diyos na makapangyarihan sa Lahat, na nanahan sa buong sanlibutan at sa pinakamaliit na nilalang.
Ikaw, na yumakap sa iyong pagkalinga sa lahat ng umiiral, Ibuhos mo sa amin ang lakas ng iyong pag-ibig upang mapangalagaan namin ang buhayat ang kagandahan.
Punuin mo kami ng kapayapaan, upang mamuhay kami bilang mga magkakapatid na hindi sinasaktan ang sinuman.
Diyos ng mga dukha, tulungan mo kaming sagipin ang mga pinabayaan at kinalimutan ng daigdig na ito na lubhang mahal sa iyong mga mata,
Hilumin mo ang aming mga buhay, upang kami ay maging mga tagapagtangol ng daigdig at hindi mananamantala, upang kami ay magtanim ng kariktan at hindi polusyon at pagkasira.
Hipuin mo ang mga puso ng mga naghahanap lang ng pakinabang kapalit ng mga mahihirap at ng daigdig.
Turuan mo kamin tuklasin ang halaga ng bawat bagay, magmasid ng may paghanga at kilalanin na kami ay malalim na kaugnay ng lahat ng nilalang sa aming pagtahak tungo sa isang walang-hanggang liwanag.
Salamat dahil Kayo ay kasama namin sa araw-araw,
Palakasin ninyo po ang aming loob, pakiusap , sa aming pakikibaka para sa katarungan, sa pag-ibig at kapayapaan. Amen.

PANGWAKAS NA AWIT :

CANTICLES OF THE SUN
Refrain :
Verse One:
Refrain :
The heavens are telling the glory of God,
And all creation is shouting for joy!
Come, dance in the forest, come, play in the field, And sing, sing to the glory of the Lord!
Praise for the sun, the bringer of day,
he carries the light of the Lord in his rays;
the moon and the stars who light up the way unto your throne
The heavens are telling the glory of God, And all creation is shouting for joy!
Come, dance in the forest, come, play in the field, And sing, sing to the glory of the Lord!
Verse Two: Praise for the wind that blows through the trees, the seas’ mighty storms, the gentlest breeze; they blow where they will,
they blow where they please to please the Lord!
Refrain : The heavens are telling the glory of God, And all creation is shouting for joy!
Come, dance in the forest, come, play in the field,
And sing, sing to the glory of the Lord!
Verse Three: Praise for the rain that waters our fields,
Refrain :
Verse Four:
and blesses our crops so all the earth yields;
from death unto life her mystery revealed springs forth in joy!
The heavens are telling the glory of God,
And all creation is shouting for joy!Come, dance in the forest, come, play in the field,
And sing, sing to the glory of the Lord!
Praise for the fire who gives us his light,
the warmth of the sun to brighten our night;
he dances with joy, his spirit so bright, he sings of you!
Refrain : The heavens are telling the glory of God, And all creation is shouting for joy!
Come, dance in the forest, come, play in the field, And sing, sing to the glory of the Lord!

COMMENTATOR: SA NGALAN NG DIYOS AMA, DIYOS ANAK, DIYOS ESPIRITU SANTO.

LAHAT: AMEN.

Global Catholic ClimateMovement-Pilipinas
19 Email: gccmpilipinas@gmail.com Contact Numbers: 09967203351/ 09178624008 FB: GCCM-Pilipinas


Comments are closed.