Adyenda ng mga Manggagawa para sa Halalan 2019

• Tuluyang wakasan ang lahat ng porma ng kontraktwalisasyon. Ipaglaban ang karapatan para sa regular at disenteng trabaho. Bigyang proteksyon ang kabuhayan ng mga mala-manggagawa tulad ng mga manininda, drayber, at iba pa.

• Itaas ang sahod tungo sa isang pambansang minimum: P750 kada araw para sa mga manggagawa sa pribado at P16,000 kada buwan para sa mga pampublikong manggagawa.

• Tiyakin ang ligtas at makataong kondisyon sa lugar-paggawa.

• Tiyakin ang abot-kaya, disente at pangmasang pabahay para sa lahat. Labanan ang demolisyon.

• Tiyakin na natatamasa ng mamamamayan ang abot-kaya at disenteng serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at kalusugan.

• Ibasura ang TRAIN Law at iba pang regresibong buwis.

• Itigil ang pagtaas sa presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin.

• Labanan ang jeepney phase-out.

• Lumikha ng sapat, nakabubuhay at disenteng trabaho sa sariling bansa. Itigil ang sistematikong pagluluwas ng mga Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa. Garantiyahan ang karapatan at kagalingan ng lahat

ng migrante. Itaas ang budget para sa serbisyo at pigilan ang mga dagdag-bayarin tulad ng sapilitang pagbabayad ng SSS contribution at mandatory insurance.

• Itaguyod ang mga demokratikong karapatan ng mamamayan at labanan ang lahat ng paglabag sa karapatang pantao. Itigil ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga manggagawa. Agad na palayain ang mga unyonista at iba pang bilanggong pulitikal.

• Itigil ang karahasan laban sa kababaihan sa lugar paggawa.

• Labanan ang lahat ng anyo at porma ng korapsyon at katiwalian.

Comments are closed.