Paalala sa mga tahanan at mga komunidad

Patungkol sa Pag-iwas COVID-19 virus

Sa kasalukuyan, ilan ng mga ospital sa Metro Manila ang nagpahayag na hindi na sila makakatanggap pa ng PUIs at PUMs dahil na-sagad na ang kapasidad ng kanilang mga pasilidad sa daan-daang PUIs, PUMs, at mga kumpirmadong kaso ng COVID-19. Nasa labing dalawa ng doctor sa Pilipinas ang namatay dahil sa COVID-19.

Kung kaya malinaw na ang kailangan maging tugon nating mga kasama sa barangay/parokya ay:

1) mas masinop na paglilinis ng ating mga sarili sa pamamagitan ng malimit na paghugas ng kamay gamit ang sabon sa loob ng 20 segundo;

2) pag disinfect ng ating mga kabahayan at paligid gamit ang alkohol o iba pang disinfectant solutions katulad ng ¾ cups ng clorox na inihalo sa isang galong tubig. Hayaang manatili ang clorox solution ng 5 minuto sa nililinis na lugar;

3) pag-eehersisyo;

4) pagkain ng tama;

5) pagtulog nang maayos; at

6) pananatili sa loob ng bahay.

Kung sa kabila ng mga ito ay may makitaan pa rin po tayo sa mga miyembro ng ating pamilya ng sintomas ng lagnat, tuyong ubo, pagkapagod, kawalan ng panlasa at pang-amoy, o diarrhea, posibleng ang nasabing mga miyembro ay Person Under Investigation o PUI na para sa COVID-19. Pinapayuhan ang mga nasabing tahanan na agad na makipag-ugnayan sa barangay upang matugunan ang sitwasyon. Maaari pong makipag-ugnayan sa mga numerong ito: 02-894-COVID (02-894-26843) at 1555.

Comments are closed.