Mensahe ng Pakikiisa ng CBCP sa Panawagan ni Papa Francisco

Naging inspirasyon noon ang Pilipinas sa maraming iba pang mga bansa na nangangarap din ng kalayaan ngunit takot sa madugong mga pamamaraan. Isa-isa ring naglakas-loob ang mga mamamayan sa mga bansang kontrolado rin ng mga pamahalaang diktador, kasama ang Ukraine. Nakita nila ang “People Power” bilang susi ng sa isang mapayapang paraan ng pagbabago.

Mga kapatid, samahan natin ang Santo Papa at ang ating mga kapatid sa Ukraine sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno simula nitong Ika-2 ng Marso, 2022, araw ng Miyerkoles ng Abo, simula ng Kuwaresma. Ang Panginoon mismo ang nagturo sa atin na walang ibang panlaban sa mga tukso ng diyablo lalo na sa mga nahuhumaling sa kapangyarihan, kayamanan at katanyagan, kundi ang pag-aayuno, pananalangin, at pagkakawanggawa (Mat. 4:1-11). “Idalangin din natin, sa tulong ng ating Mahal na Ina, na antigin ng Panginoon ang konsensya ng mga mamamayang Russo, upang sila mismo ay gumawa ng hakbang upang itigil na ng kanilang pamahalaan ang sinimulang digmaan.”

Comments are closed.