Bang!

Awit sa paggunita ng kamatayan ng kabanalan at dignidad ng buhay.

Siya’y siga sa aming lugar
Kinatatakutan ng lahat
Maraming nagnanais na sana nga
Maglaho na siya’t mawala

Bang! Bang! Wala na siya
Bang! Bang! Wala na siya

Minsan pang siya’y naging adik sa droga
Naging asset ng kapulisan
Napasok sa rehab nabagong ganap,
Naging asset sa lipunan 

Bang! Bang! Wala na siya
Bang! Bang! Wala na siya

Kultura ng kamatayan
Takot syang naghahari sa bayan
Kawalang halaga sa sagradong buhay
Pagkalinga’t pagdamay

Asawa ko hwag nang mag-aalala
May trabaho nang nakita
Maitataguyod na’ng ating pamilya
Pangarap ng bawat isa

Bang! Bang! Wala na siya
Bang! Bang! Wala na siya

Siya’y ulirang batang anak
Magalang, mabait, masipag mag-aral|
Siyay matulungin mapagbigay
Palakaibigan sa lahat

Bang! Bang! Wala na siya
Bang! Bang! Wala na siya

Kultura ng kamatayan
Takot syang naghahari sa bayan
Kawalang halaga sa sagradong buhay
Pagkalinga’t pagdamay

Kulturang kawalang modo syang pinagpalit
Bastos, palamura
Arogante’t pikon, mapag-insulto
Bulgar niyang biro pinapalakpakan.

Ngayon nga’y kamay na bakal ang siyang umiiral
Sa Mindanao
Sa napakaliwanag na dahilan
Na siya lamang ang sadyang nakakaalam

Ngayon kaarawan ni Tatay,
Tumawag siya uuwi ng maaga
Magtitipon-tipon kaming magpamilya
Sasalo’t magdiriwang

Bang!

Happy birthday, happy birthday
Happy birthday Tatay (pause)

Bang!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *